Maraming nagbago when she moved in with me. Andami kong natutunan na malamang e hindi ko mapupulot sa Google o mapapanood sa Matang Lawin. Nalaman ko na dapat na palang palitan ang bedsheet, lalo na kung dati siyang light colored tapos naging gray. Natutunan ko din na dapat palagiang nagwawalis sa bahay bago pa man maging palayan ang dating sementadong sahig. Dapat din palang kumain ng gulay ang tao para maging healthy at hindi ka pwedeng mabuhay sa tapsilog, hotsilog o ano mang 'silog lamang. Lalo na kung ang binibilhan mong carinderia ay mantika, imbes na tubig, ang ginagamit sa pagsasaing ng binebentang kanin. Deep fried rice? Ibinalik din nya ang paniniwala ko na ang mga damit at kailangang plantsahin o di kaya ay itupi ng maayos para di magusot, dahil hindi laging uubra ang rason na "ay! nagusot sa pagkakaupo ko sa jeep..", lalo na kung walking distance lang ang iyong destinasyon.
Masaya. Naging mas masaya ang buhay. Waking up right next to her. Tipong hinay hinay lang sa pagbati ng good morning dahil hindi kapa nag tu-toothbrush. Nakikita mo siya sa kanyang natural state. Gulo-gulo ang buhok, panay ang kuskos ng mata para matangal ang mala stalactytes na muta at minsan may bonus pang spoiled saliva. Maaga kaming gigising, kasi di naman kami natulog. Batak na katawan namin sa puyatan. Lalabas para bumili ng almusal, Sopas, champorado, palabok, at lugaw. Depende kung ano ang ma-tripan. Sabay bili ng bagong gawang pandesal sa bakery. Iba pala ang pakiramdam ng may aabutan ka sa bahay at inaantay ka para sabay kayong kumain. Minsan kahit gabi na ako umuuwi galing trabaho, inaantay nya parin ako para sabay kami. Mas sumasarap ang ulam pag ganun. Mawawala lahat ng badtrip at pagod. Pwera nalang kung ikaw ang maghuhugas ng mga plato at kaldero. Sa gabi naman, madalas, di kami makatulog. Sana'y na kasi sa puyatan. Madalas kaming manood ng pelikula sa cable o kaya sa laptop. Lagi kaming nagtatalo minsan kung anong title ang panonoorin. Mahilig kasi siya sa mga love story at chick flicks. Ayoko pa naman nun kasi may mga eksena ng paghahalikan at minsanang love scenes. Di ako pabor dun. Gusto ko ay yung mga pelikulang puno ng moral values at lessons tulad ng Sineskwela the movie.
Minsan, tulad ng ibang normal na babae, may topak din siya. Meron man o walang bisita. May time na nag-away kami. Pag uwi ko ng bahay, walang pansinan at walang kibuan, pero hindi ko talaga kaya yung ganun sitwasyon, sigawan muna ako, awayin muna ako. makikinig lang ako sa kanya wag lang darating sa point na hindi niya ako kakausapin ang hirap kasi hindi mo malaman kung anu ba ang iniisip niya.
Hindi lang nakakulong sa konsepto ng dinner dates, panonood ng sine, holding hands habang may hawak na plastic ng softdrinks o pagluhod sa gitna ng kalsada upang mag-propose, ang pag-ibig. Hindi dun natatapos yun kagaya ng sa mga pelikula. Hindi porke "kayo na" e magdidilim ang buong paligid at isa isang gugulong pataas ang kung ano anong pangalan bilang closing credit. Tatakbo ang mga araw, lilipas ang mga sandali. At isa sa pinaka magandang parte ng pagiging "in love" ay ang pagkakaroon ng pagkakataon upang maapektuhan sa positibong paraan ang buhay ng iyong minamahal. Matutunaw ang mga chocolates, makakalimutan ang title ng mga pelikula, ilalabas mo sa kubeta ang inorder mong carbonara nung nag-date kayo, pero dadalhin niya sa mahabang panahon ang bawat aral at mabubuting bagay na kanyang natutunan dahil at mula sayo.
Walang kasiguraduhan ang mga bagay, lalo na sa larangan ng puso. Hindi ka pwedeng gumawa ng mathematical equation upang malaman kung gaano "kayo" magtatagal (average life expectancy ninyong dalawa divided by dami ng beses kung kayo ay mag away sa isang buwan i.e dahil sa selos, tampuhan at ang makabuluhang hindi pag-like ng status niya sa FB, multiplied by ilang beses ka nagpalit ng relationship status). Huwag kang magsayang ng panahon. Hanggat posible (ibig sabihin, di pa naman umaabot sa puntong gusto mo siyang sakalin), mahalin mo siya at iparamdam mo ito bawat segundo.
Ewan ko kung ilang beses na nasabi ang pangungusap na "Normal lang sa isang relasyon ang pag-aaway". Sa sobrang dami siguro, papantay na ito sa dami ng sequel ng Shake, Rattle and Roll. Pero muli, natural lang yun. Hindi naman kasi kayo nagse-share sa iisang utak para maging imposible ang hindi pagsang-ayon. Ang importante ay kung paano mo ito iha-handle. Syempre, kung ikaw ang may kasalanan, e di mag sorry. Kung sa tingin mo siya ang nagsimula, subukan mo din na unang kumibo. Bakit? Dahil hindi mo pwedeng pakasalan ang pride. Sigurado din akong hindi siya masarap magluto. Baka lasang sabon (uy oh, nagjo-joke **tawang plastik**). At parang awa mo na, wag kang isip bata. Kung hindi mo makuha ang gusto mo kahit pa may sapat namang dahilan, iwasan ang magtampururot na parang isang batang hindi binilhan ng lollipop. Dahil kung ganun ka, di kapa pwede sa isang matinong relasyon. Umuwi ka muna sa iyong nanay at maglaro ng bahay-bahayan hanggang sa hindi mo na ito magustuhan.
Walang unit of measurement ang pagmamahal, tulad ng temperatura o bilis. It's either mahal mo o hindi. Yun lang yun. Walang semi, medyo o parang. Maaaring may magsabi na "Nasaktan nako noon, kaya magtitira muna ako para sa sarili". Teka, bakit "tira lang"? Ang pagmamahal sa sarili ay hindi parte ng pagmamahal mo sa iba. Hindi yan pizza na palagian mong pinopost sa Facebook. Pre-requisite yun. Hindi ka pwedeng magmahal ng tunay kung wala ka nito para sa sarili mo mismo. Pero kung sakaling pumasok ka sa isang relasyon kung saan "medyo" mahal mo lang siya, sana wag ka ding mag-expect na mamahalin ka niya ng "buo" pabalik.
Sana bukas, lahat ng tao ay matagpuan ang pag-ibig ng kanilang buhay. At yung mga kasalukuyang "in love" e wag dapuan at makagat ng lamok na may dalang "ka-engotan".