Meron ng kapasidad oh kakayahan ang tao na gawing reyalidad ang isang panaginip lang? Pano ba naten maihihiwalay ang totoo sa isang kathang isip lang? Parang madali lang kung sasabihin pero naniniwala ako sa mga taong nananiginip ng gising. Naniniwala ako sa kakayahan ng utak na gawing totoo ang bagay na kathang isip lang.
Naalala ko noong first year college palang ako sa letran, 1st meeting namen ng prof ko sa logic. Pag pasok palang ng professor namen sa room ramdam na namen na siya ang tipo na hindi namen pwedeng gaguhin. At tama nga kami.
Hindi umupo ang professor namen na si Pacquing, bagkus ay sumandal lang siya sa lamesa at nagmasid samen. Napapaisip ako, pag tinitignan ko kasi siya sa mata parang nakatingin din siya sa mata ko. Parang imahe ni Kristo. Kahit anong anggulo ka pumwesto, pag tinignan mo siya sa mata. Nakatingin paren siya.
"Ikaw!"
"Ako po sir?"
"Oo ikaw! Stand up."
Kinabahan ako... malas, ako ata unang mabibiktima sa klase namen.
"Pano mo mapapatunayan saken na nageexist ka?"
"Sir?"
"Pa a no mo ma pa pa tu na yan na nag e exist ka sa ha ra pan ko!"
pucha. Ano 'to? Pano ko sasagutin to?
"ahhh sir, kasi nakakausap mo ko ngayon, kaya nag eexist talaga ko."
"pano kung sabihin ko sayong nanaginip lang ako na nakakausap kita?"
amfuta.
"ah sir siguro pag nahawakan kita ng pisikal at naramdaman mo dun ko mapapatunayan na nageexist ako."
"Hindi paren. Pwede ko paren sabihin na naiimagine lang kita na nararamdaman kita. na nanaginip lang ako na kausap kita ngayon."
Lokohan ata 'to eh. Ganito ba kalakaran sa kolehiyo?
"Sit down..."
Hanggang naka graduate na ko hindi ko paren nalaman ang tamang sagot oh katwiran sa tanong niya. Lahat ata ng pedeng isagot sa kanya eh babalikan lang niya ng...
"naiimagine lang kita, hindi ka totoo, etc"
Pero minsan isang kaibigan ang naka debate ko habang may nakalatag na Gin Bulag Calamansi sa mesa. Tinanong ko sa kanya ang tanong na "pano mo mapapatunayan na nageexist ka sa harap ko?"
Simple lang ang sagot niya, Pero tama...
Ikaw anong sagot mo kung tanungin kita nang...
"pano mo mapapatunayan na nageexist ka sa harap ko?"
Isipin mo muna ang sagot mo. tignan naten kung pareho kayo ng sagot ng kaibigan ko...
May sagot ka na?
Game!
Ito ang sagot ng kaibigan ko.
"Depende sa definition mo ng nag eexist"
Pareho ba kayo ng sagot?
Hindi ko alam kung ano ang sagot na gustong marinig ng prof ko sa logic, pero yung sagot ng kaibigan ko sa tingin ko ang pinaka malapit. O maaaring yun nga ang tamang sagot.
Madalas akong yayain noon ng "kaibigan" ko na manood sa MOA ng fireworks display. Sumasama ako sa kanya hindi dahil sa gusto ko din ang fireworks, sumasama lang ako dahil sa alam mo na... siya ang kasama ko. Hindi ko maintindihan kung anong meron ang fireworks kung bakit maraming tao ang gustong gusto na nakaka kita nun. Sa totoo lang, para saken ang fireworks ay isang kufal na nang ga g@go lang sayo. Bakit? matapos ang ilang minuto ng magagandang kulay at formation ng ilaw nito sa langit, ang kaninang ngiti, mabilis din mapapawi.
Madalas din sabihin saken ng kaibigan ko pag tapos na ang fireworks,
"ganda no? ang romantic..."
Hindi ko alam ang isasagot ko, Pwede ko sanang sabihin na...
"Oo nga eh, ang ganda"
Pero hindi yun ang sinasagot ko, minsan kahit nanliligaw ka palang sa isang tao kailangan mo paren maging honest. Madalas pag nanliligaw ang lalake puro magaganda ang pinapakita diba? Sa puntong yun, ayokong baliin ang bagay na pinaniniwalaan ko. kaya ang sagot ko sa kanya...
"Sa totoo lang, hindi ko gusto ang fireworks, nakaka loko eh. Panandalian ka lang naman pasasayahin niyan. After ng ilang minuto, wala na. Pero masaya ko, ikaw kasi kasama ko"
At sa biglang liko na natapos ang usapan namen. Theme room. Joke lang. =)
Pero hindi ko inaasahan na magbabago ang paniniwala ko sa simpleng fireworks na ginagawa kong big deal. Noong minsang lugmok ako at pulado ang buhay dahil sa pitik pitik ng problema may dumating na nag heal sa akin.
Naging honest ako sa kanya, at binalaan ang siya na marupok lang ako. At madaling mainlove. Sabi niya hayaan ko lang daw na mahulog ako, at sasaluhin daw niya ko.
Pero sa puntong marami akong tanong sa biglaang pagkamatay ng isang bagay na wala pang napapatunayan, inintindi ko nalang. Na baka may dahilan, Na baka talagang pinasaya niya lang ako ng saglitan, Na baka talagang hindi kami para sa isa't isa, Na baka talagang may mahal siyang iba.
"Masakit sa umpisa pero kinabukasan napangiti nalang ako"

No comments:
Post a Comment