Monday, June 25, 2012

Life as we know it....



"Huwag kang hahawak ng bagay na alam mong sa huli ay bibitawan mo rin" - Bob Ong.



Lumaki ako sa lugar na kung saan napapalibutan ako ng maraming tao. ibat iba ang klase ng paguugali. Pero kung paano ang pag adopt ko sa ugali ng idol ko na si Piolo Pascual, ganun din ang pag adopt ko sa mga karakter ng mga tao sa paligid ko, Sa lugar na kinalakihan ko, sa mga barkada at nakasama ko sa araw araw.


Kung pinanganak kaya akong mayaman at nakatira sa isang exclusive subdivision. Siguradong sobrang mabait ako ngayon. Masarap kung sa masarap ang buhay na ganoon. Pero mas gusto ko ang buhay rakenrol.


Ako: Taga doon ka sa sikat na condo diba?!

Siya: Yes! bakit mo tinatanong?

Ako:Eh di mayaman ka?

Siya: Parang ganoon na din, nagaaral ako sa isang malaking university na sobrang mahal ang tuition, na kinikita ng magulang ko sa loob ng isang linggo.

Ako: Ah kya pala ganyan ka magsalita :P

Siya: What the...

Ako: hahahahahaha....


"I look at the world and i notice it's turning, While my guitar gently weeps" - George Harrison.


Tama nga sila.. bilog ang mundo, at imposibleng hindi mo dadaanan ang ilalim kung saan madilim at hindi nasisilayan ng araw.


Pero tulad ng sabi nila.. Bilog ang mundo.. So imbes na mag emo ka.. kumapit ka na lang ng maiigi at baka sa susunod na pag ikot ay madala ka sa ibabaw.. Hindi ko sinasabing umasa ka sa ikot at kumapit ka lang..


Mas maigi kung isasama mo ang dalawang paa para isabay ang pag akyat habang ang mundo ay umiikot.


Walang umaakyat ng bundok na hindi nababawasan ang timbang.

Hindi makukumpleto ang inuman ng walang tanggero.

Hindi lulubog ang pako kung titignan mo lang

At walang mangyayari sa buhay mo kung tatanga ka lang.


"No. 1 Rule No Expectation"


Na realized ko na nasa ilalim na ko nung dumidilim na ang paligid. L&M na ang yosi ko at hindi na Marlboro Lights. namamasahe na ako at hindi na naka kotse. sa karinderya na ako kumakain at hindi na sa Mcdo.. at ang malupet pa wala na pala ako pangbili ng alak..


Nag eemo ka ba??? Sige sabay tayo.. rakenrol na lang ako.... :P


"Sex, Drugs, Liquior"


Mas pipiliin ko ang sex.. :P


Halos magkanda haba ang kamay ko sa pag para ng FX na sasakyan ko papuntang school. bago pumasok hinit-hit ko muna at pinitik ang hawak ko na yosi. sa kahabaan ng avenida kung saan ay mas maingay pa sa talak ng aking lola.



Sakto!


Tingin sa bandang harapan.. Mas kokonti ang tao.. na kung titignan mo ay maarteng wala naman pera. Ngunit mas pinili ko ang likod kung saan siksikan at mas marami ang tao. kung saan mas prone sa holdaper.. kung saan mas madaming vandals sa upuan. Tulad ng dati hindi ko maiwasan makinig sa usapan ng ibang tao at maki-isyoso.. Tulad ng iskwelahan, kung saan paborito ko ang row4 kesa sa row1. Kung saan naroon lahat ang olats na estudyante kung saan naroon ang kalokohan. kung saan madalas ako matulog kapag math na ang subject.. at kung saan paborito ko gumawa ng sulat para ibigay sa nililigawan.




Pero.. kung ang buhay ay parang mahabang biyahe lamang.. makakailang stop over ka kaya sa 7/11 at mini stop?? makakailang jingle ka kaya at yosi break sa iyong mga problema?? makakailang para ka kaya sa driver para mag pahinga??? Sa tingin ko higit pa sa yosing sinindihan ko, walang kwentang istorya ang buhay ko kung walang ganito.





"Love one another" - George Harisson..


Nagalit ka sa magulang mo dahil hindi ka niya binilan ng bagong cellphone naisip mong hindi ka importante sa kanila. Natuto ka nang sumagot sa kanila. Alam mo na din kung paano mag sinungaling, madalas mong itago sa kanila ang report card mo.. dadalihan mong may utang ka pa sa titser mo, kaya hindi nila ito ibibigay.. kahit na alam mong sopas at lugaw lang naman sa canteen ang hindi mo nababayaran..



"Rebelde"


Madalas ka nang sumasama sa mga barkada mo sa loob at labas ng eskwelahan, Isang sutsot langnila alam muna ang ibig sabihin.. Cutting Classes Period nyo na! Hindi na Math ang subject kundi Counter Strike.. Hindi na Science, dahil Emperador o kaya Gin-Pomelo na ang inyong pinag-aaralan.. At lalong hindi na Social Studies at History ang topic, dahil sa SM Manila ang inyong binabaybay.. Galit ka pa sa umaga, dahil kulang ang baon mo, na sana ay pamasahe mo para tumambay sa bilyaran.. Isama muna ang bayad sa isang sandok na lugaw..


Nung magising kana sa katotohanan.. Panahon na ang naiwan sayo.. Out of school youth ka na at hindi nakatapos, walang diplomang magliligtas ng iyong kinabukasan. Nakasandal ka na lang sa kanto at humihithit ng sigarilyo.. Kasali ka na din sa fraternity na walang ginawa kundi mag meeting sa sementeryo. naka ilang vandals ka na din sa pader ng mga nitso, wala nang magagawa sayo ang mga nakahimlay kundi isumpa ka..


"Reality"


Minsan talagang darating ang dagok lalo na at hindi ka handa.. Babagsak ka sa isang sementadong lupa duguan at hindi makabangon.. Kung iisipin mong maraming dugo ang nasayang, maniwala ka.. mas madami ang panahon na nalagas, kumpara sa red blood cell mong hitik sa 420..



"Pero"


Kung ang pagbangon at pagpunas lang ng dugo ang magagawa mo.. Gawin muna.. Walang tutulong sayo kundi ang iyong sarili...


Maraming bagay na hindi mo maiintindihan kung hindi ka gagawa ng bagay na sa tingin mo ay makakapag dulot sayo ng hindi tama... Hindi ko sinasang-ayunan na gumawa ka ng hindi mabuti.. Pero minsan.


Kailngan natin gumawa ng masama, para matuto tayong magpakabuti.. Dahil hindi lahat ng bagay ay kailngan gawin ng may halong kabutihan, Hindi general requirements yun sa buhay..

Hindi din lahat ng mabait kinatutuwaan.. karamihan dito inaabuso at wina-walanghiya...




"Love me like the First Time" - Brenda Starr...



Love at first sight - Yung unag kita mo palang sa kanya, ay parang na bullseye ka ni kupido, at na speechless ka..

Yun ang sabi nila.. Sakin? Hindi ako naniniwala.. Libog lang yun!


OO.. Libog lang at wala nang iba.. dapat magical, dapat unexpected, at dapat in a very different ways.. Yun ang Love! ika nga ni Papa Jack.. hindi ito hide and seek, collect and select, at game and watch.. Mas oks kung dahan dahan ka makakaramdam nito.. Kung katabi mo ang iisang babae sa loob ng apat na taon sa high school life mo, imposibleng walang mangyari.. Pinagtabi kayo ng tadhana hindi dahil sinabi lang ng teacher niyo, at hindi dahila parehas kayo ng result ng exam sa loob ng apat na taon. At hindi dahil pinagtripan lang kayo ng nag aayos ng mga section..


"6 years ago"

Na inlove ako sa isang babae na sa daanan ko lang nakilala at complete strangers sya kakaiba yun! hindi namin kilala ang isat-isa.. Binigyan lang ako ng chance.. Kinagat ko at hindi ako nagkamali. walang wala sa isip ko, pero nahulog ako.. Oks na Oks diba??? Hindi pa tapos ang storya namin. marami pang magaganap at madami pang mangyayari.. Isang bagay lang ang mananatili..


"Yun ay yung mga bagay na inumpisahan na namin"


"I wont worry my life away.. Finger crossed, sindi ng yosi.. rakenrol"



Pera.. Pamilya.. Trabaho.. Pag-Ibig.. Kaibigan.. Ano pa ba??


Sa lahat ng aspetong yan malamang meron tayong isang problema.. Minsan hindi lang isa. madalas dalawa o tatlo.. At kapag medyo malas ka sa pagpasok ng taon na ito, malang lahat yan eh take all mo.

Kapag araw ng linggo ito ba ang porma mo?? T'shirt.. Short.. at Low-cut na converse ang suot ko, saan ang lakad mo??? madalas sagot ng iba eh..

"Magbabawas ng kasalanan"


Gago ka ba??? kailan pa naging bangko ang simabahan??

Hindi ako sobrang relihiyoso, pero pag dating sa bagay na to eh seryoso ako.


Kapag nanliligaw ka.. "Diyos ko! Sagutin na sana ako" (with matching kilig)

Kapag wala kang pera.. "Diyos ko! makati ang palad ko bibigyan mo ba ako?"

Kapag badtrip sa ermats.. "Diyos ko! kelan kaya mauubos ang bala ng AK47?"

Kapag badtrip sa boss.. "Diyos ko! Sana mabangga ang kotse niya mamaya.."

Kapag badtrip sa tropa.. "Diyos ko! Mamatay na siya, inagaw niya syota ko!"


Madalas kapag may kailngan tayo, pipikit lang kunyari at mag seryoso ng konti. Ginagawa nating wishing well ang diyos.. sa totoo lang..


Pero sa panahon na tawag ka niya..


"Pass muna.. Kasama ko GF ko kase sinagot na ko.. (with matching HHWW)"

"Pass muna.. Kasi dumating na yung padala mo.. gala muna ako for shopping"

"Pass muna.. Kasi si ermats ko biglang nabulunan kakatalak sakin (with wink)"

"Pass muna.. Kasi promoted na ko.. from janitor to head janitor"

Pass muna.. Kasi yung tropa ko binalik na syota ko, after niya malamang buntis"


Ginagawa nating alak ang lahat..


Paano kaya kapag sinabi nyang..


"Oh sige pass ka din muna hindi ka gaano updated sakin.."




"Life is a piece of cake" - Ely Buendia..


Jesu, Allah, Buddah, Hari Krishna, Vishnu, at Pera... Isa lang yan sa mga sinasamba ng mga tao.. Kung si Jesus ang diyos mo, Christian ang tawag sayo.. Kung si Allah, Muslim ka.. Hindi ko lang alam ang taong sumasamba sa pera.. Siguro tawag sa kanila pulitaka.


Ako???


Lumaki ako na kilala si Jesus.. Hindi dahil ito ang sabi ng mommy ko, at nakalakihan. Pero dahil ito ang nakasanayan ko.. Ang labo hindi ba?? Kasi kung nasanay ka sa rubber shoes, maiilang ka nang gumamit ng leather, na siyang require kapag sa opisina ka nagtatrabaho.. Sa madali't salita sosyalan..


Love.. Isang bagay na makikita mo sa bawat relihiyon.. DAW! Set aside muna natin yung PEACE.. may nagsasabi na.. Natagpuan daw nila ang pag-ibig at kapayapaan sa kanilang relihiyon, Pero.. Pero naman.. Kung iisipin mo.. Sa Pilipinas, merong iba't ibang relihiyon pa ang nagkalat karamihan dito nagsasapawan.. Kanya kanyang pabida, Kanya kanyang punch line.. Hindi kalaunan, nauuwi sa parinigan, siraan, at walanghiyaan.. Nasaan ang LOVE?


Tapos papasok ang pulitiko na sumasamba sa pera.. Ito magulo na! Hindi na hamak na mas malakas mag impluwensya nang mga taong sumasamba sa pera.. Kaya nilang bilhin ang isang relihiyon para sambahin sila.. Totoong mas makapangyarihan ang pera sa lahat.. At kahit masakit at masamang pakinggan, wala tayong magagawa.. Lunukin mo yung religious pride mo kung maari..



Ang Olats lang..


Ay yung mga taong pumapayag o sumusunod dito.. Hindi dahil ito ang nakasanayan nila.. Dahil ito ang NAIS nila.. Another term pala sa pera.. Ay Demonyo.. At kung sumasamba ka sa pera.. Demonyo ang tawag sayo..

No comments:

Post a Comment