Saturday, December 22, 2012

Malabo Lungs...

Maraming nagbago when she moved in with me. Andami kong natutunan na malamang e hindi ko mapupulot sa Google o mapapanood sa Matang Lawin. Nalaman ko na dapat na palang palitan ang bedsheet, lalo na kung dati siyang light colored tapos naging gray. Natutunan ko din na dapat palagiang nagwawalis sa bahay bago pa man maging palayan ang dating sementadong sahig. Dapat din palang kumain ng gulay ang tao para maging healthy at hindi ka pwedeng mabuhay sa tapsilog, hotsilog o ano mang 'silog lamang. Lalo na kung ang binibilhan mong carinderia ay mantika, imbes na tubig, ang ginagamit sa pagsasaing ng binebentang kanin. Deep fried rice? Ibinalik din nya ang paniniwala ko na ang mga damit at kailangang plantsahin o di kaya ay itupi ng maayos para di magusot, dahil hindi laging uubra ang rason na "ay! nagusot sa pagkakaupo ko sa jeep..", lalo na kung walking distance lang ang iyong destinasyon.

Masaya. Naging mas masaya ang buhay. Waking up right next to her. Tipong hinay hinay lang sa pagbati ng good morning dahil hindi kapa nag tu-toothbrush. Nakikita mo siya sa kanyang natural state. Gulo-gulo ang buhok, panay ang kuskos ng mata para matangal ang mala stalactytes na muta at minsan may bonus pang spoiled saliva. Maaga kaming gigising, kasi di naman kami natulog. Batak na katawan namin sa puyatan. Lalabas para bumili ng almusal, Sopas, champorado, palabok, at lugaw. Depende kung ano ang ma-tripan. Sabay bili ng bagong gawang pandesal sa bakery. Iba pala ang pakiramdam ng may aabutan ka sa bahay at inaantay ka para sabay kayong kumain. Minsan kahit gabi na ako umuuwi galing trabaho, inaantay nya parin ako para sabay kami. Mas sumasarap ang ulam pag ganun. Mawawala lahat ng badtrip at pagod. Pwera nalang kung ikaw ang maghuhugas ng mga plato at kaldero. Sa gabi naman, madalas, di kami makatulog. Sana'y na kasi sa puyatan. Madalas kaming manood ng pelikula sa cable o kaya sa laptop. Lagi kaming nagtatalo minsan kung anong title ang panonoorin. Mahilig kasi siya sa mga love story at chick flicks. Ayoko pa naman nun kasi may mga eksena ng paghahalikan at minsanang love scenes. Di ako pabor dun. Gusto ko ay yung mga pelikulang puno ng moral values at lessons tulad ng Sineskwela the movie.

Minsan, tulad ng ibang normal na babae, may topak din siya. Meron man o walang bisita. May time na nag-away kami. Pag uwi ko ng bahay, walang pansinan at walang kibuan, pero hindi ko talaga kaya yung ganun sitwasyon, sigawan muna ako, awayin muna ako. makikinig lang ako sa kanya wag lang darating sa point na hindi niya ako kakausapin ang hirap kasi hindi mo malaman kung anu ba ang iniisip niya.

Hindi lang nakakulong sa konsepto ng dinner dates, panonood ng sine, holding hands habang may hawak na plastic ng softdrinks o pagluhod sa gitna ng kalsada upang mag-propose, ang pag-ibig. Hindi dun natatapos yun kagaya ng sa mga pelikula. Hindi porke "kayo na" e magdidilim ang buong paligid at isa isang gugulong pataas ang kung ano anong pangalan bilang closing credit. Tatakbo ang mga araw, lilipas ang mga sandali. At isa sa pinaka magandang parte ng pagiging "in love" ay ang pagkakaroon ng pagkakataon upang maapektuhan sa positibong paraan ang buhay ng iyong minamahal. Matutunaw ang mga chocolates, makakalimutan ang title ng mga pelikula, ilalabas mo sa kubeta ang inorder mong carbonara nung nag-date kayo, pero dadalhin niya sa mahabang panahon ang bawat aral at mabubuting bagay na kanyang natutunan dahil at mula sayo.

Walang kasiguraduhan ang mga bagay, lalo na sa larangan ng puso. Hindi ka pwedeng gumawa ng mathematical equation upang malaman kung gaano "kayo" magtatagal (average life expectancy ninyong dalawa divided by dami ng beses kung kayo ay mag away sa isang buwan i.e dahil sa selos, tampuhan at ang makabuluhang hindi pag-like ng status niya sa FB, multiplied by ilang beses ka nagpalit ng relationship status). Huwag kang magsayang ng panahon. Hanggat posible (ibig sabihin, di pa naman umaabot sa puntong gusto mo siyang sakalin), mahalin mo siya at iparamdam mo ito bawat segundo.

Ewan ko kung ilang beses na nasabi ang pangungusap na "Normal lang sa isang relasyon ang pag-aaway". Sa sobrang dami siguro, papantay na ito sa dami ng sequel ng Shake, Rattle and Roll. Pero muli, natural lang yun. Hindi naman kasi kayo nagse-share sa iisang utak para maging imposible ang hindi pagsang-ayon. Ang importante ay kung paano mo ito iha-handle. Syempre, kung ikaw ang may kasalanan, e di mag sorry. Kung sa tingin mo siya ang nagsimula, subukan mo din na unang kumibo. Bakit? Dahil hindi mo pwedeng pakasalan ang pride. Sigurado din akong hindi siya masarap magluto. Baka lasang sabon (uy oh, nagjo-joke **tawang plastik**). At parang awa mo na, wag kang isip bata. Kung hindi mo makuha ang gusto mo kahit pa may sapat namang dahilan, iwasan ang magtampururot na parang isang batang hindi binilhan ng lollipop. Dahil kung ganun ka, di kapa pwede sa isang matinong relasyon. Umuwi ka muna sa iyong nanay at maglaro ng bahay-bahayan hanggang sa hindi mo na ito magustuhan.

Walang unit of measurement ang pagmamahal, tulad ng temperatura o bilis. It's either mahal mo o hindi. Yun lang yun. Walang semi, medyo o parang. Maaaring may magsabi na "Nasaktan nako noon, kaya magtitira muna ako para sa sarili". Teka, bakit "tira lang"? Ang pagmamahal sa sarili ay hindi parte ng pagmamahal mo sa iba. Hindi yan pizza na palagian mong pinopost sa Facebook. Pre-requisite yun. Hindi ka pwedeng magmahal ng tunay kung wala ka nito para sa sarili mo mismo. Pero kung sakaling pumasok ka sa isang relasyon kung saan "medyo" mahal mo lang siya, sana wag ka ding mag-expect na mamahalin ka niya ng "buo" pabalik.


Sana bukas, lahat ng tao ay matagpuan ang pag-ibig ng kanilang buhay. At yung mga kasalukuyang "in love" e wag dapuan at makagat ng lamok na may dalang "ka-engotan". 

Saturday, December 1, 2012

Forgetting YOU.

Escaping memories of the past will not give
guarantee
That they will not haunt you in the future..
Because wherever we go the love we used to
share
Will always be in our hearts and minds
I tried my best to escape love from you
But all roads lead me back to you
When I remember all the times we were together
I can’t help but cry
Because I know those things will not happen
again..
I don’t know what have I done wrong

I did my best..
I gave my all..
I sacrificed a lot..
I went through hell..
But you were never satisfied.
Eventually you left me

I begged you to comeback
But you don ’t even look at me
All memories came back as if they are real
But reality tells me ours is over
Although you don’t love me anymore
Knowing you loved me even once..
Is enough for me to still continue my life..

Our memories together that gives me PAIN and
HURTS..
They were the only things I believed keeping me
alive

The pain stopped..
And also love cracked..
But it will be in my heart forever
I know you’re happy now..
It turned out to be the same way for me..
I’ve forgotten you too..

Someone who made me feel important
And someone who made me feel worthless..
Forgetting you wasn’t an easy process
But the experiences with you alone..
Had made the healing easier and faster ..

And now I’ve finally found the one..
Who loves me unconditionally
And never gonna hurt me..
It ’s good that at this moment
Pieces were picked and fixed..

I hope our paths won’t meet again,,
But remember you will always be a part of my
history..
When somebody leaves the door open..
Soon, somebody will surely secure and close it..

My heart that you fooled..
My heart that you played..
My heart that you left..
All I can say is ..

Now I can stand next to you without wanting to
hold you..
I can talk to you without wanting to say “I still
love you..”
I can live without wanting to be with you..
I can dream without thinking that you’ll be a part
of my future..

Tuesday, October 23, 2012

Panaginip ba to?! paki gising ako!!!!

Meron ng kapasidad oh kakayahan ang tao na gawing reyalidad ang isang panaginip lang? Pano ba naten maihihiwalay ang totoo sa isang kathang isip lang? Parang madali lang kung sasabihin pero naniniwala ako sa mga taong nananiginip ng gising. Naniniwala ako sa kakayahan ng utak na gawing totoo ang bagay na kathang isip lang.

Naalala ko noong first year college palang ako sa letran, 1st meeting namen ng prof ko sa logic. Pag pasok palang ng professor namen sa room ramdam na namen na siya ang tipo na hindi namen pwedeng gaguhin. At tama nga kami.

Hindi umupo ang professor namen na si Pacquing, bagkus ay sumandal lang siya sa lamesa at nagmasid samen. Napapaisip ako, pag tinitignan ko kasi siya sa mata parang nakatingin din siya sa mata ko. Parang imahe ni Kristo. Kahit anong anggulo ka pumwesto, pag tinignan mo siya sa mata. Nakatingin paren siya.

"Ikaw!"

"Ako po sir?"

"Oo ikaw! Stand up."

Kinabahan ako... malas, ako ata unang mabibiktima sa klase namen.

"Pano mo mapapatunayan saken na nageexist ka?"

"Sir?"

"Pa a no mo ma pa pa tu na yan na nag e exist ka sa ha ra pan ko!"

pucha. Ano 'to? Pano ko sasagutin to?

"ahhh sir, kasi nakakausap mo ko ngayon, kaya nag eexist talaga ko."

"pano kung sabihin ko sayong nanaginip lang ako na nakakausap kita?"

amfuta.

"ah sir siguro pag nahawakan kita ng pisikal at naramdaman mo dun ko mapapatunayan na nageexist ako."

"Hindi paren. Pwede ko paren sabihin na naiimagine lang kita na nararamdaman kita. na nanaginip lang ako na kausap kita ngayon."

Lokohan ata 'to eh. Ganito ba kalakaran sa kolehiyo?

"Sit down..."

Hanggang naka graduate na ko hindi ko paren nalaman ang tamang sagot oh katwiran sa tanong niya. Lahat ata ng pedeng isagot sa kanya eh babalikan lang niya ng...

"naiimagine lang kita, hindi ka totoo, etc"

Pero minsan isang kaibigan ang naka debate ko habang may nakalatag na Gin Bulag Calamansi sa mesa. Tinanong ko sa kanya ang tanong na "pano mo mapapatunayan na nageexist ka sa harap ko?"

Simple lang ang sagot niya, Pero tama...

Ikaw anong sagot mo kung tanungin kita nang...

"pano mo mapapatunayan na nageexist ka sa harap ko?"

Isipin mo muna ang sagot mo. tignan naten kung pareho kayo ng sagot ng kaibigan ko...

May sagot ka na?

Game!

Ito ang sagot ng kaibigan ko.

"Depende sa definition mo ng nag eexist"

Pareho ba kayo ng sagot?

Hindi ko alam kung ano ang sagot na gustong marinig ng prof ko sa logic, pero yung sagot ng kaibigan ko sa tingin ko ang pinaka malapit. O maaaring yun nga ang tamang sagot.

Madalas akong yayain noon ng "kaibigan" ko na manood sa MOA ng fireworks display. Sumasama ako sa kanya hindi dahil sa gusto ko din ang fireworks, sumasama lang ako dahil sa alam mo na... siya ang kasama ko. Hindi ko maintindihan kung anong meron ang fireworks kung bakit maraming tao ang gustong gusto na nakaka kita nun. Sa totoo lang, para saken ang fireworks ay isang kufal na nang ga g@go lang sayo. Bakit? matapos ang ilang minuto ng magagandang kulay at formation ng ilaw nito sa langit, ang kaninang ngiti, mabilis din mapapawi.

Madalas din sabihin saken ng kaibigan ko pag tapos na ang fireworks,

"ganda no? ang romantic..."

Hindi ko alam ang isasagot ko, Pwede ko sanang sabihin na...

"Oo nga eh, ang ganda"

Pero hindi yun ang sinasagot ko, minsan kahit nanliligaw ka palang sa isang tao kailangan mo paren maging honest. Madalas pag nanliligaw ang lalake puro magaganda ang pinapakita diba? Sa puntong yun, ayokong baliin ang bagay na pinaniniwalaan ko. kaya ang sagot ko sa kanya...

"Sa totoo lang, hindi ko gusto ang fireworks, nakaka loko eh. Panandalian ka lang naman pasasayahin niyan. After ng ilang minuto, wala na. Pero masaya ko, ikaw kasi kasama ko"

At sa biglang liko na natapos ang usapan namen. Theme room. Joke lang. =)

Pero hindi ko inaasahan na magbabago ang paniniwala ko sa simpleng fireworks na ginagawa kong big deal. Noong minsang lugmok ako at pulado ang buhay dahil sa pitik pitik ng problema may dumating na nag heal sa akin.

Naging honest ako sa kanya, at binalaan ang siya na marupok lang ako. At madaling mainlove. Sabi niya hayaan ko lang daw na mahulog ako, at sasaluhin daw niya ko.

Pero sa puntong marami akong tanong sa biglaang pagkamatay ng isang bagay na wala pang napapatunayan, inintindi ko nalang. Na baka may dahilan, Na baka talagang pinasaya niya lang ako ng saglitan, Na baka talagang hindi kami para sa isa't isa, Na baka talagang may mahal siyang iba. 



"Masakit sa umpisa pero kinabukasan napangiti nalang ako"


Wednesday, October 17, 2012

Pakiusap Lang Lasingin Niyo Ako...

"Hindi ka titingala, kapag wala ka sa baba. Kailangan din kung minsan madapa" -Chito

Inuman.. Tagayan.. Lasingan.. Daming topic, Daming bangka, Daming chiks..

Sa inuman madalas maraming pwedeng pag-usapan, Madaming pwedeng pagkwentuhan. Nariyan ang kalokohan, kawalanghiyaan, at kamanyakan.. Mula sa simpleng istorya ng pulutan hanggang mapunta sa kalawakan, at kung ano-ano pang hindi makatotohanan..

"Ay! Alam mo ba yung ganito ganyan.."
"Pre, kilala mo yung frat na Masonry, O mas kilala sa pinas na MASON?"
"Taena peborit ko ang mani sa pulutan.."
"Napatambay ka na ba sa trickshot?"
"Nagbabasa ka ba sa forum ng tcaf? Hindi ba panay kanta lang dun?"

Paulit-ulit.. walang kamatayang istorya ni ganito at ganyan.. ni Pedro at Juan.. Mga hindi makalimutang syota, at hindi makapanindig balahibong pusa sa bubong ng backside.. Sa huli panay tawanan, ingay, at tugtog na lang ng paulit ulit na kanta.

Pero isang topic ang talaga naman nakikipag bakbakan ako.. Pag dating sa topic na ito eh medyo napapa seryoso ako.. Hindi porn! Kundi isang tanong na talaga namang bumagabag sa akin.. Isang tanong na lahat kami ay hindi nakasagot.. Isang tanong na nagbigay ng maraming reaksyon pero walang tamang sagot.. Isang tanong na pwedeng magbigay sayo ng alinlangan..

Isang tanong na galing sa tropa ko na si Bong

"Kung pupunta ka ng book store sa mall.. Saan mo makikitang section ang Bible?"

Unang tumakbo sa isip ko na hindi ito pwedeng ilagay sa fictions.. Bakit? dahil sagrado ba ito? dahil ba ito ang kasaysayan ng higher power? O baka naman naniniwala ako na totoo ang librong ito na sinulat ng mga naunang tao, na silang nakasaksi ng lahat.. Ano nga ba ang totoo?

Pero kung ikaw ang empleyado ng book store.. at nautusan ka ng boss mo na ilagay ang bible kung saan ito dapat ilagay..

Saan mo nga ba ilalagay? Saan mo nga ba sya ihahanay?

Alalay lang mga kakosa. salamat sa Skype nung nakaraan gabi live streaming pa inuman niyo!!! 

"pauwi na ang HARI"

Tuesday, October 16, 2012

Make decisions, make mistakes, don’t be afraid.

Have you ever done a biggest decision in your life?

Have you ever worried of the outcome of your decisions?

What factors really give you tough time to make your final decision?

Are you ready to gamble?

These were the few questions that still hanging on my mind.

For the past, few weeks, I'm trying to avoid those stupidities and 
negativities in my mind.
I want to be free from all of the burdens of what I have ever done.

They say that if you gamble, you should learn how to accept to lose.
And still I have a mouth shut to keep for a days, to study all inside myself, my brain, and in my heart.

Sometimes, it's so confusing if the decision you have done is quite right or wrong. Am I hanging to a moon's gravity? Floating over a dead sea?

I really admit, I'm afraid to make mistakes again. Although, some of my friends had told me, I've entered this bat caves, then I should learned how to survive the struggles.

If I will stumbled, then I should learned to wake up, and walk with my feet again.

The track to a good path way is narrow, yet, a thousand of heavens is waiting at the finish line.

But I know, there were much better plans and ways that are awaiting ahead. I should not be in a hurry. Self control and patience will be my last armors.

Now, I have to cope that I should live the way I wanted it to be when I have made the decision. I have to accept now, that if the outcome will be not a success, then I have to go beyond on it. I should live with it. Be a man to face defeat even if it will hurt as much.

This is life, some good things or bad things may come. But hey! It's still not yet the end of the world, Baby!

We still have glorious and wonderful days and nights to celebrate with this life.

So Make Decisions, Make Mistakes, and Don't be Afraid. :))




Monday, October 15, 2012

IF...

Have you ever been in a situation wherein you wish that you can own someone?

Did you feel also that you have nothin' to do because you don't have the right to get all of her attention?

You're too much expecting that the things about you and her will get better and better in the future, but then you're still confused that maybe she is still not yet ready to be attached to another timeline again.

There are too many factors which distract us to move on to another stage. Our past always kill us and it let us suffer for some time in our present. Thus, delaying all of the answered signs in the future.

And it's hard to please someone especially when she doesn't want to. We cannot force them to always agree on what we want to. Even we discuss the whole encyclopedia of answers to them, but they were still attached to their past, I don't think that we just have need to expect something good. It will only create complications in our heads.

I know efforts were very hard to be fulfilled. Timing and patience should always be involved. But if you think that you've already done everything of your best part, but still its not worth it... then it's time to make a distance.

We cannot be as perfect as we always want. We cannot be the best if the timing is worst. It's hard to hold a candle if it melts on different sides.

Life is ironic and it's not always our birthday, it's not always our payday, and it's not always our fun-day.

We have to learn that everything happening to us have always a purpose. We should not contradict with the time. We cannot blame someone for our failure. We are the one who are making our own destiny. We're always liable for all of our decisions.

As the time goes, I wish I can continue to fight this battle of my hesitations within me. I hope I can learn from my previous mistakes, be the man to face all of the trials, be strong and courageous to face another series of life. I know it's not easy, but somehow, it will be fine.




Sunday, September 30, 2012

3 Reasons Behind My Smiles....

Before anything else I would like to thank my sponsors, Lacoste for my perfume, Red Tag for my slacks, G200 for my Outfit, DM's for my shoes... geeezzzzz!!!

Anyway i would really like to thank my friend pareng Bong sa mahiwagang question niya sa akin kanina ung sa Moving Onward na topic na 3 Things In Life that made me Smile really amazed me and made me realized.. there are such many things na made me smile, pero kasi 3 lang daw eh kaya i'll just state 3 things;

1) First Jesus! he is the reason of all.. he always indeed makes me smile though in times of trouble, He remains to be my source of strength, faithfully always on my side.

2) Second, my wonderful family. They are the best treasure that I've ever got. No gold or silver could compare how much they mean to me.

3) Third, ihhhhhh, kasi nemen eh, syempre mahuhuli ba! syempre yung prinsesa ko, o smile naman kasi ikaw yun! OO, IKAW nga! dahil sayo naging makulay din ang mundo ko! mahalaga ka din dahil isa ka sa nagpinta sa kung anung saya meron ako ngayon. Isa ka sa nag pa smile sa akin! uyyyy.. nakangiti siya! like what i said princess I'm so blessed dahil nakilala kita. you dont know how much you mean to me. super special...

There are too many reasons for us to smile, life is beautiful though there are lot of times we have struggles but behind it there are always reason for us to smile....