Saturday, June 30, 2012

Minsan....

Minsan, ang hirap-hirap lang talaga ng pinagdadaanan natin.
Minsan, lugi pa kasi kung sino ung medyo matatag, sila ung may mas matinding pinagdadaanan. Minsan, akala ng iba ang tibay-tibay mo. Minsan, akala nila, kayang-kaya mo ang lahat. pero ang totoo nagpapakatatag ka lang.

Minsan, dumadating ka lang talaga sa puntong wala ka nang ibang magawa kundi ang umiyak. Minsan, hindi rin iyon sapat na napapasigaw at padyak ka pa. Minsan, sobrang masakit ang mga nangyayari. Minsan, sobrang naaawa ka na sa iyong sarili.

Minsan, kailangan mo ng kausap pero wala kang makita.
Minsan, kahit pinakamalapit mong kaibigan, hindi ka mapakinggan.
Minsan, mararamdaman mo talagang nag-iisa ka lang.
Minsan, mapapasulat ka na lang ng ganito -
hindi alam paano inumpisan
hindi malaman paano tatapusin.



"HINDI KITA IIWAN"
"Ang pinakamadalas na pangakong naririnig ko sa mundo, na ang DIYOS pa lang ang nagpatotoo"

Wednesday, June 27, 2012

Corporate Lessons....

"Credits to Anonymous"

"Corporate Lesson 1"

A man is getting into the shower just as his wife is finishing up her shower when the doorbell rings. After a few seconds of arguing over which one should go and answer the doorbell, the wife gives up, quickly wraps herself up in a towel and runs downstairs. When she opens the door, there stands Bob, the next door neighbour.

Before she says a word, Bob says, "I'll give you $800 to drop that towel that you have on."

After thinking for a moment, the woman drops her towel and stands naked in front of Bob. After a few seconds, Bob hands her 800 dollars and leaves. Confused, but excited about her good fortune, the woman wraps back up in the towel and goes back upstairs.

When she gets back to the bathroom, her husband asks from the shower, "Who was that?"

"It was Bob the next door neighbor," she replies.

"Great!" the husband says, "Did he say anything about the $800 he owes me?"

Moral of the story:
"If you share critical information pertaining to credit and risk in time with your stakeholders, you may be in a position to prevent avoidable exposure."


"Corporate Lesson 2"

A priest was driving along and saw a nun on the side of the road. He stopped and offered her a lift which she accepted. She got in and crossed her legs, forcing her gown to open and reveal a lovely leg. The priest had a look and nearly had an accident. After controlling the car, he stealthily slid his hand up her leg.

The nun looked at him and immediately said, "Father, remember Psalm 129?" The priest was flustered and apologized profusely. He forced himself to remove his hand. Changing gear, he let his hand slide up her leg again.

The nun once again said, "Father, remember Psalm 129?" Once again the priest apologized: "Sorry sister but the flesh is weak."

Arriving at the convent, the nun got out gave him a meaningful glance and went on her way. On his arrival at the church, the priest rushed to retrieve a bible and looked up Psalm 129.

It Said, "Go forth and seek, further up, you will find glory."

Moral of the story:
"Always be well informed in your job, or you might miss a great opportunity."

"Corporate Lesson 3"

A sales rep, an administration clerk and the manager are walking to lunch when they find an antique oil lamp. They ! rub it and a Genie comes out in a puff of smoke.

The Genie says, "I usually only grant three wishes, so I'll give each of you just one."

"Me first! Me first!" says the admin clerk. "I want to be in the Bahamas, driving a speedboat, without a care in the world." Poof! She's gone.

In astonishment, "Me next! Me next!" says the sales rep. "I want to be in Hawaii, relaxing on the beach with my personal masseuse, an endless supply of pina coladas and the love of my life." Poof! He's gone.

"OK, you're up," the Genie says to the manager. The manager says, "I want those two back in the office after lunch."

Moral of the story:
"always let your boss have the first say."


"Corporate Lesson 4"

A crow was sitting on a tree, doing nothing all day. A small rabbit saw the crow, and asked him, "Can I also sit like you and do nothing all day long?"

The crow answered: "Sure, why not."

So, the rabbit sat on the ground below the crow, and rested. All of a sudden a fox appeared, jumped on the rabbit and ate it.

Moral of the story:
"To be sitting and doing nothing, you must be sitting very, very high up."

"Corporate Lesson 5"
A turkey was chatting with a bull.

"I would love to be able to get to the top of that tree," sighed the turkey, "but I haven't got the energy."

"Well, why don't you nibble on some of my droppings?" replied the bull. "They're packed with nutrients."

The turkey pecked at a lump of dung and found that it actually gave him enough strength to reach the lowest branch of the tree. The next day, after eating some more dung, he reached the second branch.

Finally after a fourth night, there he was proudly perched at the top of the tree.

Soon he was spotted by a farmer, who promptly shot the turkey out of the tree.

Moral of the story:
"Bullshit might get you to the top, but it won't keep you there."

"Corporate Lesson 6"

A little bird was flying south for the winter. It was so cold the bird froze and fell to the ground in a large field. While it was lying there, a cow came by and dropped some dung on it. As the frozen bird lay there in the pile of cow dung, it began to realize how warm it was. The dung was actually thawing him out! He lay there all warm and happy, and soon began to ! sing for joy.

A passing cat heard the bird singing and came to investigate. Following the sound, the cat discovered the bird under the pile of cow dung, and promptly dug him out and ate him.

Moral of the story:
"Not everyone who shits on you is your enemy; Not everyone who gets you out of shit is your friend; and when you're in deep shit, it's best to keep your mouth shut.

Tatak Pinoy Teleserye....






Noong kabataan ko, madalas akong manood ng TV kasama ang aking lola at nanay. Maaga kaming kakain ng hapunan para sabay-sabay na manood ng paborito niyang ‘Primetime Shows’. Pinoy na pinoy ang mga pinapalabas tuwing gabi dahil puru teleserye o ‘soap opera’ ang nakapalabas. Hindi na maaalis sa amin ang panonood ng mga ganoong palabas tuwing gabi. Sikat na sikat pa noon ang Mara at Clara ni sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes pa noon ang gumaganap. pero ako idol ko talaga sina Camile Prats na palaging gumaganap na bida, at si Angelica Panganiban na talagang kontrabido kung umasta sa drama.




Kahit sinong Pinoy siguro mahilig manood ng teleserye. Maituturing man itong ‘guilty pleasure’ pero hindi siguro maaalis ang panonood ng mga drama sa TV lalo na tuwing gabi. Madalas ay maaga pang nagsisi-uwian ang marami para lang manood ng drama sa kani-kanilang mga bahay. Marami nang mga drama na simula umpisa hangang katapusan ay talgang sinubaybayan ng mga Pinoy; lahat gabi-gabi ay nakakapit sa harap ng telebisyon at sumobra ang titig sa telebisyon. Komersyal break lang ang CR break.




Mapapansin niyo din siguro na sa maraming taon na gumagawa ng drama ang mga TV station ay halos pare-pareho na ang plot ng mga palabas. Madalas ang plot ay isang babaeng bida na mahirap at inaapi ng matapobre at insecure na kontrabida. Pero bakit nga ba sa paglipas ng panahon ay nahuhumaling parin ang mga Pinoy sa mga Pinoy na teleserye? Ano ang karisma ng Pinoy teleserye na hindi makikita sa mga banyagang ‘soap operas’?




"Nakakaaliw at Nakakarelate."




Aminin man o hindi, nakakaadik panoorin ang mga teleserye lalo na kung naumpisahan. Magandang strategy pa ng mga istasyon ng TV ang bitin eksena at biglang commercial break, pati na din ang bitin ending kada episode na talagang aabangan mo kinabukasan.




Gasgas man ang bidang mahirap at inaapi-api ng kontrabidang sukdulan ang kasamaan, swak parin sa panlasa ng Pinoy ang ganitong eksena. Lalo na kung magaling ang kontrabidang gumaganap nito, tiyak na napapasakay o napapa ‘carried away’ ang mga manonood tuwing aapihin niya ang bida. parang feel na feel mo rin ang sakit kapag nasasampal ang bida. Kulang nalang malasahan mo din ang putik na pinakain sa kanya. Naiiyak kana ng bongga noong sadyang sinunog ang bahay nila.




Minsan pa nga’y nagsasabi-sabi pa ang mga nanonood na akala mo maririning ng artista sa TV! Kung makareact sa mga eksena parang kasama din sa palabas eh, diba? Ang sarap sabunutan nung madrastang nagpapahirap sa dalagang bida!




Sentro din ng kwentuhang pinoy ang teleserye. Mapa tahanan, eskwela, opisina, sa istasyon ng bus, o sa loob man ng jeep, isang walang katapusang ‘topic’ ang nangyari sa episode kagabi. Kawawa ka kung di ka nanonood nito dahil tiyak hindi ka ‘in’ sa usapan. Bawat isa may kanya-kanyang galit sa kontrabida. may kanya-kanyang hula kung ano ang mangyayari, at kung sino ang tunay na ama ni ganito. Tiyak ngang walang preno ang bibig kapag ang paboritong teleserye na ang pinag usapan.




"Tatak Pinoy Teleserye."




May mga bagay sa teleserye na kakaiba at talagang pinoy na pinoy ang dating. Pamilyar na ang bidang inaapi at kinakawawa. Idagdag pa ang gwapong ‘love interest’ ng bida na kikiligin ka talaga kapag nakita mo.




Sino naman ang di mapapatawa sa madalas na kaibigan ng bida o ‘sidekick’ niya na magaling magpatawa? Sila ang ‘life of the show’ na kahit gaano ka seryoso ang teleserye, ay nakukuha parin nilang haluan ng komedya.




Mapapaisip ka din sa mga ‘twists’ ng kwento. Si ganito pala ay anak ni ganito na nabunits ni ganito na pamangkin ni ganito na inlove kay ganito, na mortal na kaaway ni ganito?! Walang katapusang kone-koneksyon na sa bandang huli ay mapapa ‘Ahhhhh… alam ko na’ ka. At marerealize mo na lahat ng karakter sa istorya ay magkaka ano-ano.




Ang ending ng bawat teleserye ay generic din. Hindi mawawala ang ‘epic explosion’ sa bawat pagtatapos ng palabas, na karaniwang pinapakita sa mga trailer nito! Nariyan din sa ending ang ‘epic’ na pagkatalo ng malupit na madrasta o ang kontrabidang sukdulan sa kasamaan. Maaaring sumabog siya sa sarili niyang dinamita o mabaril sa sarili niyang baril o kaya mabaliw ng tuluyan.




"Salamin ng Lipunan."




Ang mga teleserye ay hango sa tunay na buhay ng mga Pilipino. Kaya’t marami ring nahuhumaling sa panonood ng mga ito ay dahil ‘nakakarelate’ sila. Makikita sa mga palabas na ito ang kalagayan ng bansa; kung paano tumatakbo ang buhay ng karamihan sa mga Pilipino. Madalas, mahirap ang katayuan sa buhay ng bida. Madalas ding inaapi at minamaliit.




Maraming mga ‘sterotypes’ ang makikita sa mga teleserye . Madalas na may mga pulitiko sa mga drama at madalas sila ay kurakot, mamamatay tao, sakim at masasama.Ang mga mayayaman naman madalas gawing kontrabida dahil sila daw ay matapobre, sakim, at mapang-api. Ang mga madrasta ay madalas na gawing kontrabida na walang tigil na nagpapahirap sa mga bida. Ganito din kaya sila sa totoong buhay? Ang mga pulis madalas ipakita bilang mandaraya, mapang-abuso at higit sa lahat, mabagal rumesponde at madaling matalo. Ganito din kaya sila nakikita ng mga Pinoy na nanonood? Kapag nakakita ka ng taong may tatoo o kalbo, sigurado masamang tao siya (holdaper, kidnaper, rapist o mamamatay tao).




Uso din ang mga ampon, nawawalang anak o mga kabit at may anak sa labas. Sigurado marami sa mga pamilyang Pinoy ang nakakaranas nito.




"Ang ‘Future’ ng Teleserye"




Sa paglipas ng maraming taon, unti-unting nag iiba at nagiging mas makulay ang mga Pinoy teleserye. Ang dating puro drama, nagyon ay may komedy at fantasy na. May mga bida rin ngayon na lumalaban at hindi nagpapa-api.




Nagiging popular din ang maraming mga banyagang palabas na ginawang ‘remake’ ng mga Pinoy tulad ng ‘Endless Love’ ng Korea at ‘Meteor Graden’ ng Taiwan. Ngunit hindi ito naging hadlang para lagyan ng tatak Pinoy ang bawat remake na ginagawa nila.




Tunay ngang isang malaking industriya ang telebisyon sa Pilipinas. At patuloy paring manonood ng drama at teleserye ang mga Pinoy. Hindi na maaalis ang mga teleserye sa buhay ng mga Pinoy. Kasama na ito sa mga ritual kapag gabi. Nagmamadali ka mang umuwi galing trabaho o eskwela, iisa lang ang dahilan mo — Para di mo malampasan ang isa nanamang yugto ng paboritong teleserye.

Tuesday, June 26, 2012

Pinoy Style Rice-Cake...

Pinoy Rice-Cake



Rice cake ba kamo? Eto ang tunay na Pinoy Rice Cake. Ganda ng frosting, mukhang caramel yung tutong. Paano mag luto ng Pinoy Style Rice Cake? Read recipe below.

Pinoy Style Rice Cake Recipe:

1st step: maglagay ng bigas sa kaldero at hugasan ang bigas hangang malinaw na ang tubig

2nd step: maglagay ng tubig at sukatin ang dami ng tubig sa pamamagitan ng daliri. kailangang sakto ang dami ng tubig sa dami ng bigas.

3rd step: isalang ang kaldero (wag kalimutang i-on ang kalan, naranasan ko na minsan na hindi na-i-on ang apoy, dun ko nalaman na di pala naluluto ang bigas pag walang init..LoLZ)

4th step: maghintay hangang kumulo ang tubig ng sinaing, buksan ang kaldero para hindi mag overflow ang tubig dahil sigurado mapapagitan ka sa sobrang dumi ng kaldero at kalan pag nag overflow ang sinaing.

5th step: Maghintay pa. Hintay pa. Pwede kang manood ng tv, o mag text o mag dota habang naghihintay. Maghintay pa hangang mangamoy sunog ang sinaing mo.

6th step: hinaan ang apoy kung in-in na, o yung onti na lang ang tubig.

7th step: huwag munang galawin ang luto na bigaas. hayaanh lumaming ang kanin.

8th step: bakitarin ang kald
ero (as in upside down) at itaktak. There! You got yourself a perfect Pinoy Style Rice Cake. Enjoy!

Monday, June 25, 2012

Life as we know it....



"Huwag kang hahawak ng bagay na alam mong sa huli ay bibitawan mo rin" - Bob Ong.



Lumaki ako sa lugar na kung saan napapalibutan ako ng maraming tao. ibat iba ang klase ng paguugali. Pero kung paano ang pag adopt ko sa ugali ng idol ko na si Piolo Pascual, ganun din ang pag adopt ko sa mga karakter ng mga tao sa paligid ko, Sa lugar na kinalakihan ko, sa mga barkada at nakasama ko sa araw araw.


Kung pinanganak kaya akong mayaman at nakatira sa isang exclusive subdivision. Siguradong sobrang mabait ako ngayon. Masarap kung sa masarap ang buhay na ganoon. Pero mas gusto ko ang buhay rakenrol.


Ako: Taga doon ka sa sikat na condo diba?!

Siya: Yes! bakit mo tinatanong?

Ako:Eh di mayaman ka?

Siya: Parang ganoon na din, nagaaral ako sa isang malaking university na sobrang mahal ang tuition, na kinikita ng magulang ko sa loob ng isang linggo.

Ako: Ah kya pala ganyan ka magsalita :P

Siya: What the...

Ako: hahahahahaha....


"I look at the world and i notice it's turning, While my guitar gently weeps" - George Harrison.


Tama nga sila.. bilog ang mundo, at imposibleng hindi mo dadaanan ang ilalim kung saan madilim at hindi nasisilayan ng araw.


Pero tulad ng sabi nila.. Bilog ang mundo.. So imbes na mag emo ka.. kumapit ka na lang ng maiigi at baka sa susunod na pag ikot ay madala ka sa ibabaw.. Hindi ko sinasabing umasa ka sa ikot at kumapit ka lang..


Mas maigi kung isasama mo ang dalawang paa para isabay ang pag akyat habang ang mundo ay umiikot.


Walang umaakyat ng bundok na hindi nababawasan ang timbang.

Hindi makukumpleto ang inuman ng walang tanggero.

Hindi lulubog ang pako kung titignan mo lang

At walang mangyayari sa buhay mo kung tatanga ka lang.


"No. 1 Rule No Expectation"


Na realized ko na nasa ilalim na ko nung dumidilim na ang paligid. L&M na ang yosi ko at hindi na Marlboro Lights. namamasahe na ako at hindi na naka kotse. sa karinderya na ako kumakain at hindi na sa Mcdo.. at ang malupet pa wala na pala ako pangbili ng alak..


Nag eemo ka ba??? Sige sabay tayo.. rakenrol na lang ako.... :P


"Sex, Drugs, Liquior"


Mas pipiliin ko ang sex.. :P


Halos magkanda haba ang kamay ko sa pag para ng FX na sasakyan ko papuntang school. bago pumasok hinit-hit ko muna at pinitik ang hawak ko na yosi. sa kahabaan ng avenida kung saan ay mas maingay pa sa talak ng aking lola.



Sakto!


Tingin sa bandang harapan.. Mas kokonti ang tao.. na kung titignan mo ay maarteng wala naman pera. Ngunit mas pinili ko ang likod kung saan siksikan at mas marami ang tao. kung saan mas prone sa holdaper.. kung saan mas madaming vandals sa upuan. Tulad ng dati hindi ko maiwasan makinig sa usapan ng ibang tao at maki-isyoso.. Tulad ng iskwelahan, kung saan paborito ko ang row4 kesa sa row1. Kung saan naroon lahat ang olats na estudyante kung saan naroon ang kalokohan. kung saan madalas ako matulog kapag math na ang subject.. at kung saan paborito ko gumawa ng sulat para ibigay sa nililigawan.




Pero.. kung ang buhay ay parang mahabang biyahe lamang.. makakailang stop over ka kaya sa 7/11 at mini stop?? makakailang jingle ka kaya at yosi break sa iyong mga problema?? makakailang para ka kaya sa driver para mag pahinga??? Sa tingin ko higit pa sa yosing sinindihan ko, walang kwentang istorya ang buhay ko kung walang ganito.





"Love one another" - George Harisson..


Nagalit ka sa magulang mo dahil hindi ka niya binilan ng bagong cellphone naisip mong hindi ka importante sa kanila. Natuto ka nang sumagot sa kanila. Alam mo na din kung paano mag sinungaling, madalas mong itago sa kanila ang report card mo.. dadalihan mong may utang ka pa sa titser mo, kaya hindi nila ito ibibigay.. kahit na alam mong sopas at lugaw lang naman sa canteen ang hindi mo nababayaran..



"Rebelde"


Madalas ka nang sumasama sa mga barkada mo sa loob at labas ng eskwelahan, Isang sutsot langnila alam muna ang ibig sabihin.. Cutting Classes Period nyo na! Hindi na Math ang subject kundi Counter Strike.. Hindi na Science, dahil Emperador o kaya Gin-Pomelo na ang inyong pinag-aaralan.. At lalong hindi na Social Studies at History ang topic, dahil sa SM Manila ang inyong binabaybay.. Galit ka pa sa umaga, dahil kulang ang baon mo, na sana ay pamasahe mo para tumambay sa bilyaran.. Isama muna ang bayad sa isang sandok na lugaw..


Nung magising kana sa katotohanan.. Panahon na ang naiwan sayo.. Out of school youth ka na at hindi nakatapos, walang diplomang magliligtas ng iyong kinabukasan. Nakasandal ka na lang sa kanto at humihithit ng sigarilyo.. Kasali ka na din sa fraternity na walang ginawa kundi mag meeting sa sementeryo. naka ilang vandals ka na din sa pader ng mga nitso, wala nang magagawa sayo ang mga nakahimlay kundi isumpa ka..


"Reality"


Minsan talagang darating ang dagok lalo na at hindi ka handa.. Babagsak ka sa isang sementadong lupa duguan at hindi makabangon.. Kung iisipin mong maraming dugo ang nasayang, maniwala ka.. mas madami ang panahon na nalagas, kumpara sa red blood cell mong hitik sa 420..



"Pero"


Kung ang pagbangon at pagpunas lang ng dugo ang magagawa mo.. Gawin muna.. Walang tutulong sayo kundi ang iyong sarili...


Maraming bagay na hindi mo maiintindihan kung hindi ka gagawa ng bagay na sa tingin mo ay makakapag dulot sayo ng hindi tama... Hindi ko sinasang-ayunan na gumawa ka ng hindi mabuti.. Pero minsan.


Kailngan natin gumawa ng masama, para matuto tayong magpakabuti.. Dahil hindi lahat ng bagay ay kailngan gawin ng may halong kabutihan, Hindi general requirements yun sa buhay..

Hindi din lahat ng mabait kinatutuwaan.. karamihan dito inaabuso at wina-walanghiya...




"Love me like the First Time" - Brenda Starr...



Love at first sight - Yung unag kita mo palang sa kanya, ay parang na bullseye ka ni kupido, at na speechless ka..

Yun ang sabi nila.. Sakin? Hindi ako naniniwala.. Libog lang yun!


OO.. Libog lang at wala nang iba.. dapat magical, dapat unexpected, at dapat in a very different ways.. Yun ang Love! ika nga ni Papa Jack.. hindi ito hide and seek, collect and select, at game and watch.. Mas oks kung dahan dahan ka makakaramdam nito.. Kung katabi mo ang iisang babae sa loob ng apat na taon sa high school life mo, imposibleng walang mangyari.. Pinagtabi kayo ng tadhana hindi dahil sinabi lang ng teacher niyo, at hindi dahila parehas kayo ng result ng exam sa loob ng apat na taon. At hindi dahil pinagtripan lang kayo ng nag aayos ng mga section..


"6 years ago"

Na inlove ako sa isang babae na sa daanan ko lang nakilala at complete strangers sya kakaiba yun! hindi namin kilala ang isat-isa.. Binigyan lang ako ng chance.. Kinagat ko at hindi ako nagkamali. walang wala sa isip ko, pero nahulog ako.. Oks na Oks diba??? Hindi pa tapos ang storya namin. marami pang magaganap at madami pang mangyayari.. Isang bagay lang ang mananatili..


"Yun ay yung mga bagay na inumpisahan na namin"


"I wont worry my life away.. Finger crossed, sindi ng yosi.. rakenrol"



Pera.. Pamilya.. Trabaho.. Pag-Ibig.. Kaibigan.. Ano pa ba??


Sa lahat ng aspetong yan malamang meron tayong isang problema.. Minsan hindi lang isa. madalas dalawa o tatlo.. At kapag medyo malas ka sa pagpasok ng taon na ito, malang lahat yan eh take all mo.

Kapag araw ng linggo ito ba ang porma mo?? T'shirt.. Short.. at Low-cut na converse ang suot ko, saan ang lakad mo??? madalas sagot ng iba eh..

"Magbabawas ng kasalanan"


Gago ka ba??? kailan pa naging bangko ang simabahan??

Hindi ako sobrang relihiyoso, pero pag dating sa bagay na to eh seryoso ako.


Kapag nanliligaw ka.. "Diyos ko! Sagutin na sana ako" (with matching kilig)

Kapag wala kang pera.. "Diyos ko! makati ang palad ko bibigyan mo ba ako?"

Kapag badtrip sa ermats.. "Diyos ko! kelan kaya mauubos ang bala ng AK47?"

Kapag badtrip sa boss.. "Diyos ko! Sana mabangga ang kotse niya mamaya.."

Kapag badtrip sa tropa.. "Diyos ko! Mamatay na siya, inagaw niya syota ko!"


Madalas kapag may kailngan tayo, pipikit lang kunyari at mag seryoso ng konti. Ginagawa nating wishing well ang diyos.. sa totoo lang..


Pero sa panahon na tawag ka niya..


"Pass muna.. Kasama ko GF ko kase sinagot na ko.. (with matching HHWW)"

"Pass muna.. Kasi dumating na yung padala mo.. gala muna ako for shopping"

"Pass muna.. Kasi si ermats ko biglang nabulunan kakatalak sakin (with wink)"

"Pass muna.. Kasi promoted na ko.. from janitor to head janitor"

Pass muna.. Kasi yung tropa ko binalik na syota ko, after niya malamang buntis"


Ginagawa nating alak ang lahat..


Paano kaya kapag sinabi nyang..


"Oh sige pass ka din muna hindi ka gaano updated sakin.."




"Life is a piece of cake" - Ely Buendia..


Jesu, Allah, Buddah, Hari Krishna, Vishnu, at Pera... Isa lang yan sa mga sinasamba ng mga tao.. Kung si Jesus ang diyos mo, Christian ang tawag sayo.. Kung si Allah, Muslim ka.. Hindi ko lang alam ang taong sumasamba sa pera.. Siguro tawag sa kanila pulitaka.


Ako???


Lumaki ako na kilala si Jesus.. Hindi dahil ito ang sabi ng mommy ko, at nakalakihan. Pero dahil ito ang nakasanayan ko.. Ang labo hindi ba?? Kasi kung nasanay ka sa rubber shoes, maiilang ka nang gumamit ng leather, na siyang require kapag sa opisina ka nagtatrabaho.. Sa madali't salita sosyalan..


Love.. Isang bagay na makikita mo sa bawat relihiyon.. DAW! Set aside muna natin yung PEACE.. may nagsasabi na.. Natagpuan daw nila ang pag-ibig at kapayapaan sa kanilang relihiyon, Pero.. Pero naman.. Kung iisipin mo.. Sa Pilipinas, merong iba't ibang relihiyon pa ang nagkalat karamihan dito nagsasapawan.. Kanya kanyang pabida, Kanya kanyang punch line.. Hindi kalaunan, nauuwi sa parinigan, siraan, at walanghiyaan.. Nasaan ang LOVE?


Tapos papasok ang pulitiko na sumasamba sa pera.. Ito magulo na! Hindi na hamak na mas malakas mag impluwensya nang mga taong sumasamba sa pera.. Kaya nilang bilhin ang isang relihiyon para sambahin sila.. Totoong mas makapangyarihan ang pera sa lahat.. At kahit masakit at masamang pakinggan, wala tayong magagawa.. Lunukin mo yung religious pride mo kung maari..



Ang Olats lang..


Ay yung mga taong pumapayag o sumusunod dito.. Hindi dahil ito ang nakasanayan nila.. Dahil ito ang NAIS nila.. Another term pala sa pera.. Ay Demonyo.. At kung sumasamba ka sa pera.. Demonyo ang tawag sayo..

Sunday, June 24, 2012

How to Control Your Emotions...

This is a guide on how to control your emotions towards your better-half, friends, office-mates, and all the people around you, especially your "boss" The rules of practicing "Ugaling Langit, Ugaling Kaaya-aya".

1) Ang nauunag magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna.

2) Walang taong nag-aaway magisa. Pag hindi kayo sumasagot o pumapatol, titigil din ang taong nakikipagaway sa inyo.

3) Ang taong galit "BINGI" if someone is angry, wala raw pinapakinggan, so, don't try to explain and fight back. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi sarili niya.

4) Ang taong galit "ABNOY" ayon sa pastor, Biblical daw ito? Because the Lord said when he was crucified "Father, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa" Modern Term of these kind of people are abnoys, so you better not get angry para huwag kang matawag na abnoy.

You should also know and realize that the persons who made your day bad are jewels, because you need them for you to mature. Hangga't andyan sila at kinakainisan mo, ibig sabihin, immature ka pa. God will not take away those people, it's for you to take away your bad feelings towards them. You'll know na mature ka na pag dumating yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them.

5) Finally the best part of this is to tell yourself na because of this person "I will grow mature" and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD.

"The biggest inhibitor to change lies within ourselves and that nothing gets better until we changed"

Thursday, June 21, 2012

ASUG Celebrity Look A Like Season 1






In LAB ako sau..

Inlab ako sa babae na maari kong sabihin na pangarap. walang kasing hirap ang pagtupad sa isang pangarap. pero nalaman ko sa huli na meron pa palang mas mahirap, ANO? Yun ay kung paano mo pahahalagahan at aalagaan ang isang pangarap, dahil baka sa huli ay bumalik lang ito sa pagiging pangarap at manatili na lang na ganito.

Sinu bang hindi matatawa kung paano kami nagkakilala? Isa akong typikal na lalaki, na ang tanging pangarap lang sa buhay ay mag enjoy at i-enjoy ang mga bagay bagay, (party all night, sleep all day). hindi din pang boy next door ang itsura ko, hindi yung tipo na iiyakan ng mga babae at magiging trending sa twitter. 

Define Love? Yung hindi optional.

Ang Pag ibig ay isang korning joke na nakuha sa delivery... isipin mo na lang ang pagsasabi ng "mahal kita" sa taong gusto mo.. baduy ito sa taong hindi nakakaramdam. nakakatawa sa taong nakikinig lang, at nakakadismaya sa taong walang pakialam. kapag nagmahal ka korni talaga sa mata ng iba at ganun din ang tingin mo sa kanila. pero yun ay kung simple mo lang ito pinapakita.. daanin mo sa malupit at maangas na pamamaraan ng pagpapahayag ng iyong nararamdaman kahit sobrang korni pa nito, basta astig ang delivery ang tawag dun pagibig.



GT Tower and RCBC Mega Plaza Along Ayala Ave. Makati


Our Conversation when we have our quality time Chatting to each other.

Ako: Alam mo ba ung RCBC Mega Plaza sa Makati???


Siya: Oo, Bakit?


Ako: Kasi alam mo ba na mas unang tinayo yung nasa kaliwa ung mas mababa na building kaysa dun sa kanan na mas mataas na building.


Siya: Eh bakit nga?!


Ako: Kasi alam mo parang tayo yun. ikaw ung gusali na mababa at ako naman ung gusali na mataas.


Siya: So?


Ako: Hindi maitatayo ung mataas na gusali kung walang inspirasyon na mangagaling sa mababang gusali, TULAD NATIN... Hindi ako makakatayo na may halong saya kung wala ka sa tabi ko. I Always look up to you. hindi ako mangangarap ng sobrang taas kung hindi dahil sayo. ikaw ang nagsisilbing inspirasyon ko. ikaw ang laging tinitignan ko.


Siya: Awwwww!!!! :)

Wednesday, June 20, 2012

PROLOGUE


I was an awful person

Well that’s an understatement

I Almost killed someone
I’ve tried drugs
I smoked weeds
Violence is my favorite game

I wasn’t a gangster/mobster nor a frat kid, not even a part of a mafia. I was just a rebel.

A trash shitty asshole kind of person.

I was that I really was, until the day I met this girl.

She’s Kind
She’s Honest
She’s cute. (wait no) She’s beautiful

She’s forgiving
She’s Humble

She’s An “ Angel “
I mean literally she is.

“ She’s the anatomy of me “
She said she fell from heaven
And I ended up falling from her.

“An angel who changed my whole life and beliefs “

But where are you now my Guardian Angel??? I MISS YOU.